Skip to main content

Mga Kaisahan ng BMP 2018 Congress


Nakalista sa ibaba ang mga kaisahan ng ika-walong regular na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Enero 2018. Ito ay mga tesis ukol sa umiiral na kalagayan (pang-ekonomya, pampulitika, pang-organisasyon), mga resolusyon, pag-amyenda sa saligang batas ng Bukluran, at ang mga pangalan ng bagong halal na pamunuan.

Mga Tesis:

Kalagayang Pang-ekonomya

Kalagayang Pampulitika

Kalagayan ng BMP

Mga Resolusyon:

1: Pamumuno ng Manggagawa sa Anti-Pasista at Anti-Imperyalistang Laban ng Mamamayan

2: Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP

3: Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon

4: Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing) at Panlipunang Serbisyo

5: Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis

6: Full mobilization sa SONA

7: All-Out Propaganda Offensive laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo

8: Pag-oorganisa sa manggagawa sa serbisyo’t agrikultura

9: Pag-oorganisa sa migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya

10: Nakasasapat-sa-sariling ekonomya ng organisasyon

11: Pag-oorganisa ng manggagawang kababaihan

12: Pagtindig para sa “Just Transition”

13: Pagtutol sa Waste-to-Energy Incineration

14: Kampanya laban sa State-Sanctioned Killings at mga Paglabag sa Kaparatang Pantao

15: Pagsisikhay sa Gawaing Pangkultura

16: Kritisismo sa Duterte-nomics

17: Kampanya para sa Pagpapaiksi ng Araw-Paggawa (Shortening of the Working Day)

18: Paglaban sa Neoliberal na Adyenda ng Rehimeng Duterte

19: Hinggil sa Imperyalistang Gyera ng Agresyon

20: Pagtutol sa Rekognisyon ng Estados Unidos sa Herusalem bilang Kapitolyo ng Zionistang Estado ng Israel

21: Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

22: Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

23: Paglalathala ng Aklat sa Dalawa’t Kalahating Dekadang Karanasan ng BMP

24: Kumperensya para Gunitain ang ika-dalawang siglong kaarawan ni Karl Marx

25: Muling Paglalathala sa “Puhunan at Paggawa” ni Ka Popoy Lagman

26: Paglalantad sa mapanlinlang na “Free Tertiary Education” ni Duterte

27: Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

28: Hayagang Propaganda ng Sosyalistang Alternatiba

29: Mas Maunlad na mga Porma ng Makauring Pagkakaorganisa (Workers’ Council at Workers’ Assemblies)

30: Pagpapaunlad sa mga Porma ng Pakikibaka

Pag-amyenda sa Konstitusyon ng BMP

Ang Hinalal na mga Kagawad ng BMP Central Committee (2018-2020)

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...