Skip to main content

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

 Resolusyon Blg. 21: Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

Yayamang:

Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”.

Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan.

Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neoliberal na ekonomista na “lipas na” sa panahon ng globalisasyon.

Kahit sa antas ng pag-uunyon, maliit lamang ang organisado sa hanay ng masang manggagawa – 1.8 milyon sa kabuuang 25.8 milyong wage and salaried workers, na hati-hati pa sa magkakatunggaling sentro, pederasyon at mga independent unions.

Sa kasaysayan ng BMP, tuwi-tuwina nitong isinusulong ang “pagkakaisa ng kilusang unyon”, “mula sa itaas” sa NCL (National Confederation of Labor), Caucus for Labor Unity (CLU), atbp., at “mula sa ibaba” sa KPUP (Kapatiran ng mga Pangulo ng Unyon sa Pilipinas), kasabay sa pagtatakwil sa oryentasyong “tunay, palaban, makabayan” ng pinagmulang KMU na naging ugat ng sektaryan, parokyal at di-makipagkaisang aktitud sa kilusang unyon at kilusang paggawa, at,

Hindi dahilan ang mga pagkakaiba sa prinsipyo’t pananaw sa hanay ng kilusang unyon – kahit sa mga moderatong samahang pinamumunuan ng aristokrata sa paggawa – para isulong ang pagkakaisa sa layong palakasin at ipanalo ang mga kagyat na kahilingan ng uring manggagawa’t mamamayang Pilipino, at,

Itinuturing ng BMP ang kanyang sarili bilang bahagi lamang ng kilusang paggawa, ang kabuuan ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa ng manggagawa, sa iba’t ibang antas.

Kung gayon, pinagtitibay ng BMP Congress na isulong ang (1) pagkakaisa ng kilusang unyon; (2) ang pagkakaisa ng mga sosyalistang pwersa sa bansa, sa patuloy na pakikipag-alyansa sa iba’t ibang grupo, nang walang bahid ng sektaryanismo  at laging ikinukunsidera ang kapakanan ng isang malakas at nagkakaisang kilusang paggawa sa bansa. 

Comments

Popular posts from this blog

Kalagayang Pampulitika

1.  Ang naghaharing estado ay isang burges na estadong kontrolado ng malaking burgesya at naghahari sa burges na paraan. Burges ang paraan ng pangangasiwa ng estado sapagkat ang umiiral ay isang republika. May umiiral na saligang batas, na naglalaman sa mga karapatang sibil at kalayaang pampulitika – kasama ang karapatan sa pagboto, sa due process, sa kalayaan sa pagtitipon at sa pamamahayag, . Ang mga namumuno ay hindi itinakda ng tadhana o ng itaas para habambuhay na mamuno sa bansa. Di tulad ng ng monarkiya ng lipunang pyudal na may isang pamilya na may “divine right” na maghari sa isang emperyo. Ngunit ito ay nasa panlabas sa kaanyuhan lamang. Gaya ng lipunang pyudal, ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa lipunang kapital ay nasa dalawang institusyon lamang – nasa pangulo (bilang commander-in-chief) at nasa mga institusyon ng koersyon – ang pulis at militar, gaya ng hari at kanyang mga kabalyero. Ang mga karapatang pantao ay ilusyon lamang. Dahil ang totoo, ang umiiral – kung a...

Mga Kaisahan ng BMP 2018 Congress

Nakalista sa ibaba ang mga kaisahan ng ika-walong regular na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Enero 2018. Ito ay mga tesis ukol sa umiiral na kalagayan (pang-ekonomya, pampulitika, pang-organisasyon), mga resolusyon, pag-amyenda sa saligang batas ng Bukluran, at ang mga pangalan ng bagong halal na pamunuan. Mga Tesis : Kalagayang Pang-ekonomya Kalagayang Pampulitika Kalagayan ng BMP Mga Resolusyon : 1: Pamumuno ng Manggagawa sa Anti-Pasista at Anti-Imperyalistang Laban ng Mamamayan 2: Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP 3: Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon 4: Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing) at Panlipunang Serbisyo 5: Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis 6: Full mobilization sa SONA 7: All-Out Propaganda Offensive laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo 8: Pag-oorganisa sa manggagawa sa serbisyo’t agrikultura 9: Pag-oorganisa sa migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya 10: Nakasasapat-sa-sa...