Skip to main content

Hinggil sa Blog

Ang blog ito ay naglalaman ng mga kaisahan ng ika-walong regular na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).

Ang Kongreso ang pinakamataas na kapulungan ng Bukluran. Sinasalamin nito ang malayang diskusyon tungo sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon mula 2018 hanggang 2020. Matapos ang mga pre-congress discussions, ang Kongreso ay inilunsad noong ika-27 hanggang ika-28 ng Enero 2018, sa Skyrise Hotel, sa syudad ng Baguio.

Ang pangunahing tungkulin ng Kongreso ay ang pagtatakda sa tatlong taong direksyon ng BMP, ang pag-aamyenda sa saligang batas ng organisasyon, at ang paghalalal ng pamunuan – ang BMP Central Committee.

Ang BMP Central Committee ay may tungkuling ipatupad ang mga kaisahan ng  Kongreso, ang pagtitiyak na umuusad sa araw-araw ang mga gawain ng buong kasapian tungo sa ganitong direksyon ang siya namang tungkulin ng BMP Executive Committee, sa pagitan ng mga pulong ng Central Committee.

Ang napagkaisahang direksyon ng BMP hanggang 2020 ay sinasalamin ng “tema” ng Kongreso. Ito ay ang paglalagay sa kilusang paggawa sa unahan ng laban sa pasista at kontra-mamamayang rehimeng Duterte. 

Inabot natin ang ganitong kaisahan sa pag-aaral sa kalagayang pang-ekonomya, pampulitika, at pang-organisasyon. Ito ang tungtungan ng ating mga resolusyon.

Para magmartsa sa ganitong direksyon ang buong organisasyon, inilalathala natin ang mga dokumento ng Kongreso para sa mulat na pag-unawa at pauulit-ulit na pag-aaral ng buong kasapian – mula sa antas ng BMP Central Committee hanggang sa mga sosyalistang aktibista sa antas-lokal, sa mga paggawaan, plantasyon, komunidad, at mga paaralan.

Mabuhay kayo – mga kasama,mga kauri, at mga kababayan!

BMP-NECMayo 2018

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...