Skip to main content

Pagtindig para sa “Just Transition”

 Resolusyon Blg. 12: Pagtindig para sa “Just Transition”

 Yayamang:

Kinikilala na ng buong sangkatauhan – sa bisa ng Paris Agreement ng UNFCCC (United Nations Framework Convention on Climate Change) noong 2015 – ang pangangailangang ibaba ng 1.5 hanggang 2.0 degrees celsius ang pag-init ng mundo upang maampat ang pagkawasak ng ekolohiya at kalikasan dahil sa global warming;

Naobliga ang mga gobyerno ng iba’t ibang bansa na ibaba ang kanilang greenhouse gas emissions laluna sa sektor ng enerhiya at transportasyon upang maabot ang ganitong target; ngunit hindi agresibo ang mga malalaking kapitalistang bansa na mas malaki ang kontribusyon sa pag-init ng temperatura sa buong daigdig;

Ang global warming ay nagresulta ng mas malalakas na bagyo at mas mahahabang tagtuyot sa mga bulnerableng bansa gaya ng Pilipinas;

Sinusuportahan natin ang pagpihit ng mundo mula sa maruming enerhiya mula sa fossil fuels tungo sa malinis at ligtas na enerhiya mula sa renewable energy sources gaya ng solar at wind;

Ang konsepto ng “just transition” ay unang inihapag ng kilusang paggawa matapos ang World War 2 upang tiyakin ang karapatan at kagalingan ng manggagawa sa transisyon mula sa “war time” tungo sa “peace time” na ekonomya;  

Ang konsepto ng “just transisyon” na nagsisilbing gabay sa ating tindig sa usapin ng malinis na enerhiya; absoluto ang ating kritisismo sa maruming enerhiya (gaya ng panawagang bawal ang pagtatayo ng bagong coal-fired power plants) ngunit ang pagpihit mula rito ay dapat isinaalang-alang din ang kalagayan ng mga manggagawa; at,

 May karanasan ang BMP sa pakikibaka ng mga minero ng Zambales na hiniling na ipatuloy ng mga sinuspindeng kompanya ang kanilang empleyo hindi para magbungkal pa ng mga mineral kundi para ayusin ang nasirang kabuhayan at kalikasan dahil sa pagmimina,

Dahil dito, nagpasya ng BMP Congress na (1) pag-aralan ang konsepto ng “just transition” upang maibalangkas ang mga tindig sa mga usaping gaya ng jeepney phaseout, coal-fired power plant phaseout, pagtutol sa waste incineration, Green Jobs Act, Nationally-Determined Contribution (ng pagbaba sa greenhouse gas emission), atbp., (2) muling paganahin ang alyansang Mining Workers of the Environment Association (MWEA) para sa pag-oorganisa ng mga minerong manggagawa.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...