Skip to main content

Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon

Resolusyon Blg. 3: Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon

Yayamang:

Nagpapatuloy ang salot ng kontraktwalisasyon sa kabila ng pahayag na “contractualization must stop” ni Rodrigo Duterte;

Ang iskema ng kontraktwalisasyon ay nagpapatuloy dahil hindi ginagamit ng Secretary of Labor ang kapangyarihan nito na ipagbawal ang pagkokontrata ng mga trabaho (alinsunod sa Artikulo 106);

Naghain ng Executive Order ang nagkakaisang kilusang unyon – sa inisyatiba ng BMP – tungo sa prohibisyon ng kontraktwalisasyon para ipawalang-bisa ang masahol ng Department Order 174 ni Sec. Bello, sa ilusyong gagawing regular ang mga kontraktwal sa agency na ituturing na employer nila;

Ang isyu ng kontraktwalisasyon ang isa sa pinakamabisang paraan para malantad ang makauring karakter ng rehimeng Duterte – bilang gobyerno ng mga kapitalista;

Kung gayon, ipinagtitibay ng ika-8 Regular na Kongreso ng BMP na ituloy ang pambansang kampanyang kontraktwalisasyon, nang hindi nalilimita sa isahang mobilisasyon, kundi sa serye ng mga aktibidad para igiit ang Executive Order sa layong ilantad ang makauring karakter ng rehimeng Duterte.

Comments

Popular posts from this blog

Kalagayang Pampulitika

1.  Ang naghaharing estado ay isang burges na estadong kontrolado ng malaking burgesya at naghahari sa burges na paraan. Burges ang paraan ng pangangasiwa ng estado sapagkat ang umiiral ay isang republika. May umiiral na saligang batas, na naglalaman sa mga karapatang sibil at kalayaang pampulitika – kasama ang karapatan sa pagboto, sa due process, sa kalayaan sa pagtitipon at sa pamamahayag, . Ang mga namumuno ay hindi itinakda ng tadhana o ng itaas para habambuhay na mamuno sa bansa. Di tulad ng ng monarkiya ng lipunang pyudal na may isang pamilya na may “divine right” na maghari sa isang emperyo. Ngunit ito ay nasa panlabas sa kaanyuhan lamang. Gaya ng lipunang pyudal, ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa lipunang kapital ay nasa dalawang institusyon lamang – nasa pangulo (bilang commander-in-chief) at nasa mga institusyon ng koersyon – ang pulis at militar, gaya ng hari at kanyang mga kabalyero. Ang mga karapatang pantao ay ilusyon lamang. Dahil ang totoo, ang umiiral – kung a...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...

Mga Kaisahan ng BMP 2018 Congress

Nakalista sa ibaba ang mga kaisahan ng ika-walong regular na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Enero 2018. Ito ay mga tesis ukol sa umiiral na kalagayan (pang-ekonomya, pampulitika, pang-organisasyon), mga resolusyon, pag-amyenda sa saligang batas ng Bukluran, at ang mga pangalan ng bagong halal na pamunuan. Mga Tesis : Kalagayang Pang-ekonomya Kalagayang Pampulitika Kalagayan ng BMP Mga Resolusyon : 1: Pamumuno ng Manggagawa sa Anti-Pasista at Anti-Imperyalistang Laban ng Mamamayan 2: Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP 3: Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon 4: Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing) at Panlipunang Serbisyo 5: Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis 6: Full mobilization sa SONA 7: All-Out Propaganda Offensive laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo 8: Pag-oorganisa sa manggagawa sa serbisyo’t agrikultura 9: Pag-oorganisa sa migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya 10: Nakasasapat-sa-sa...