Skip to main content

Paglaban sa Neoliberal na Adyenda ng Rehimeng Duterte

 Resolusyon Blg. 18: Paglaban sa Neoliberal na Adyenda ng Rehimeng Duterte

Yayamang:

Patuloy na inilalantad ng rehimeng Duterte ang kanyang sarili, sa halos araw-araw sa harap ng masang Pilipino bilang isang ganap na reaksyonaryong burges na gobyerno, na kontra-manggagawa, maka-kapitalista, maka-imperyalista, pasista at kontra-mahirap;

Nabuyangyang ang tunay na kontra-manggagawang karakter ng rehimen sa patuloy na pagbibinbin ng Executive Order para sa prohibisyon ng lahat ng anyo ng kontraktwalisasyon; katunayan, lalupa nitong pinatindi ang naturang salot sa pamamagitan ng Department Order 174 ng DOLE;

Pinupwersa ng rehimen ang taumbayan na tiisin ang mga mapapait na patakarang neoliberal sa larangang pampulitika at pang-ekonomya, sa pamamagitang ng sumusunod na patakaran – ang Philippine Development Plan 2017 hanggang 2022 (kung saan, kasama ang planong “build, build, build”, ang kontra-mahirap na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) at ang Charter Change (Chacha) na tutungo sa isang pederal na estadong mas mahigpit ang kontrol ng mga trapo, mga dinastiya, at mga warlord;

Ang neoliberal na adyendang pang-ekonomya at pampulitika ay isang opensiba laban sa mahihirap, sa pamamagitan ng mga patakarang “kill, kill, kill” at “war, war, war”, na tutugis sa mga pinaghihinalaang mahihirap na adik at pusher ng iligal na droga, mga terorista’t komunista, at sinumang tumututol sa mga patakaran ng rehimen.

Lulubha pa ang atrasado’t bansot ng kapitalistang sistema sa bansa, na magpapatindi sa kahirapan ng masang Pilipino sa susunod na taon sa ilalim ng rehimeng Duterte, dahil sa tinatahak nitong pampulitika’t pang-ekonomikong adyenda, at lalo pang titindi dahil sa mga maneobra nitong baguhin ang saligang batas, na maaring magpahaba pa ng termino nito sa poder, lagpas sa taong 2022.

Kung gayon, ang BMP bilang isang rebolusyonaryong sosyalistang pampulitikang sentro ay naninindigan na:

(1) ipagtanggol ang interes ng manggagawang Pilipino mula sa lahat ng kontra-manggagawang atake ng burges na estado, at

(2) tutulan at labanan ang neoliberal na opensiba ng rehimeng Duterte, na kumakatawan sa interes ng mga imperyalista at mga burukratang komersyante’t kapitalista sa kanayunan, na pinakareaksyonaryong seksyon ng lokal na naghaharing uri.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...