Skip to main content

Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP

 Resolusyon Blg. 2 Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP

 Yayamang:

Ang batayang yunit ng BMP ay ang buklod, na ang batayan ng pagkakaisa ay paglaya ng uri mula sa sahurang pang-aalipin at sa pribadong pag-aari sa mga ikabubuhay ng tao ng siyang ugat ng kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao.

Ang gawaing buklod ay nangangahulugan ng pagpapataas sa makauring kamulatan sa lider at kasapi ng mga lokal na samahang at sektoral na mga organisasyong ngayo’y mas bumubuo sa ating Bukluran;

Ang nilalaman ng gawaing buklod ay ang solidong sosyalistang pagmumulat at ang pagpapakilos sa mga kagyat na kahilingan at maiinit na isyung pambayan. Magpapalakas ito hindi lamang sa BMP kundi maging sa mga lokal na samahang magkakaroon ng mga lider at aktibong kasaping may kusa, dedikasyon, at komitment sa paggampan ng kanilang mga gawain;

Ang gawaing buklod – ang pagbubuo at pagpapagana sa mga sirkulo ng mga aktibista – ay matagal na nating hinahangad na mapagana subalit hindi nabibigyan ng nararapat na atensyon.

Ngunit ngayo’y kinikilala ng Kongreso ng BMP bilang susing gawain para mamulat, mapakilos at maorganisa ng Bukluran ang milyon-milyong di-organisadong manggagawa, sa harap ng banta ng pasismo at lubusang imperyalistang pandarambong, sa anyo ng Chacha.

Dahil dito, ipinagtitibay ng ika-8 Regular na Kongreso ng BMP na:

1) Sa kagyat, buuin ng mga lokal na samahang kasapi ang mga komite sa edukasyon/propaganda, kampanya, ekspansyon;

2) Italaga bilang pinuno ng naturang mga komite ang mga aktibong kasapi ng pamunuan, sila ang tumatayong “buklod” na ekspresyon ng pagiging kasapi sa BMP ng lokal na samahan;

3) Ang “BMP point person”, na itinalaga ng pamunuan, ay siyang magdudugtong sa mga pinuno ng naturang mga komite sa ating Bukluran (tsapter, organizing committee, o pambansang organo at kagawaran);

4) Kagyat na lutasin ng Komite Sentral ang paglalabas ng “Gabay sa Gawaing Buklod” na siyang manwal sa paglarga ng naturang mga sirkulo; at,

5) Iprayoridad ang organisasyunal na gawain na ang pokus ay ang pagdami at pagpapagana ng mga buklod, na susi sa pagkokonsolida ng mga tsapter, organizing committee, member organizations at lokal na mga samahan.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...