Skip to main content

Pamumuno ng Manggagawa sa Anti-Pasista at Anti-Imperyalistang Laban ng Mamamayan

Resolusyon Blg. 1: Pamumuno ng Manggagawa sa Anti-Pasista at Anti-Imperyalistang Laban ng Mamamayan

Yayamang:

Ang rehimeng Duterte ay mabilis na tumutungo sa pasista at awtokratikong pamumuno hindi lamang sa tumitinding paglabag sa mga karapatang pantao at kalayaang sibil, kundi sa pagbabanta ng Martial Law sa buong bansa;

Ang rehimen ay nagsusulong ng pagbabago ng saligang batas para sa (a) pagbubuwag ng mga probisyong nagbibigay proteksyon sa lokal na ekonomya mula sa dayuhang pandarambong, na magsisilbi sa interes ng mga multinasyunal na korporasyong monopolyo at sa (b) pagtatayo ng pederal na anyo ng gobyerno, na sinusuportahan ng mga burukratang dinastiya – kalakhan ay mga warlord – na siyang pinakareaksyonaryo, pinakamalupit at pinakamasahol na seksyon ng mga naghaharing uri sa bansa;

Ang pagtutol sa Chacha ng mga imperyalista at mga pasista ay lilimitahan ng petiburges (o “panggitnang-uri”) sa kalunsuran sa panawagang “Defend the Constitution” at “Defend Democracy”. May ilan sa kanila ang nagagamit ng partido Liberal sa paghahangad ng pagbibitiw ni Duterte upang humalili si VP Robredo bilang “constitutional successor”;

Lagpas dito ang interes ng manggagawa, ang mga pagbabagong ninanais ng manggagawa sa kanilang pang araw-araw na buhay, na nangangahulugan ng pagbabago sa mga batas – kasama ang konstitusyon – upang ang karapatang mabuhay ng nakararami ay ipauna sa kaparatan sa pag-aari (property rights) ng iilan; at,

Prinsipyo ng BMP ang pagtindig ng manggagawa bilang lider ng bayan (Artikulo 2, BMP Constitution) upang maging konsistent, determinado at tuloy-tuloy ang pakikibaka ng mamamayan para sa tunay na demokrasya at kalayaan.

 Dahil dito, ipinagtitibay ng ika-8 Regular na Kongreso ng BMP na ang direksyon ng BMP sa tatlong taon (2018 to 2020) ay pamunuan ng kilusang paggawa ang anti-pasista at anti-imperyalistang laban ng mamamayan. 

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...