Skip to main content

Kampanya para sa Pagpapaiksi ng Araw-Paggawa (Shortening of the Working Day)

 Resolusyon Blg. 17: Kampanya para sa Pagpapaiksi ng Araw-Paggawa (Shortening of the Working Day)

Yayamang:

Ang 8-hour working day, na siyang dahilan kung bakit may overtime premium matapos ang walong oras na pagtatrabahos sa isang araw, ay isang unibersal na istandard na naipagwagi ng pandaigdigang kilusang paggawa, sa mahigit na isang siglong buhay-at-kamatayang pakikibaka;

Pumasa na sa Lower House ang House Bill No. 6152, o “An Act Increasing the Normal Work Hours Per Day Under a Compressed Work Week Scheme”, na ginawang ligal na opsyon ang pagpapatrabaho ng lagpas sa umiiral na regular time nang walang dagdag na kabayaran kasabay ng pagbabawas ng araw ng pagtatrabaho sa isang linggo;

Ang panukalang ito ay sadyang makakapinsala sa katawan ng manggagawa, na ngayon pa lang ay noobliga nang mag-obertaym dahil sa baba ng sweldo sa kabila ng pagbabawal sa pwersahang pagpapaobertaym;

Ang HB 6152 ay nakadisenyo para lalupang pigain ang tubo mula sa katawan ng mga manggagawa;

Ang “compressed work week” ay pagbawi sa mga istandard ng paggawa, alinsunod sa neoliberal na patakaran ng “flexibilization of labor” na isinasantabi ang lahat ng labor standard na naipanalo ng manggagawa gaya ng minimum wage and iba pang mga benepisyo;

Ang inabot na mekanisasyon – ang malaking pag-abante sa teknolohiya sa nagdaang dalawang dekada – ay nagtutulak sa mga kapitalista na bawasan ang oras ng pagtatrabaho nang isinasakripisyo ang mga manggagawa;

Sa inabot na produktibidad ng lipunan, maari nang bawasan ang oras ng pagtatrabaho upang makalikha pa ng panibagong empleyo at upang mas lumaki ang oras ng manggagawa na siya ay nabubuhay bilang tao, hindi karugtong ng makina at operasyon ng kompanya; at,

Sa maraming abanteng kapitalistang bansa, nagawa nang ibaba sa 35 hanggang 38 oras ang pagtatrabaho sa isang araw;

Kung gayon, nagpasya ang ika-8 Kongreso ng BMP na isulong ang kahilingang “shortening of the working day” nang walang kabawasan sa kinikita ng manggagawa.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...