Skip to main content

Kampanya laban sa State-Sanctioned Killings at mga Paglabag sa Kaparatang Pantao

 Resolusyon Blg. 14: Kampanya laban sa State-Sanctioned Killings at mga Paglabag sa Kaparatang Pantao

Yayamang:

Ang “War on Drugs” ay nagresulta na ng kaliwa’t kanang pagpatay sa mga sibilyan sa anyo ng Tokhang at State-Sanctioned Killings, na tinatayang umaabot na sa 14,000 katao sa mahigit isa’t kalahating taon ni Duterte bilang pangulo;

Ang “War on Drugs” ay naging “War on the Poor”, at kitang-kita ito sa pagpaslang sa mga maralitang kabataan gaya ni Kian delos Santos ng Kalookan;

Ang pagpatay sa mga suspek ay taliwas sa nararapat na proseso ng pagsasakdal at paglilitis, ayon sa batas;

Ang layon nito ay hindi pa ang pagsugpo sa iligal na droga kundi ang pamamayani ng klima at takot upang wala tumutol sa mga panukala ng rehimeng Duterte – laluna ang Chacha ng imperyalismo at mga dinastiyang pulitikal;

Ang isyung ito ay maaring maging behikulo sa malawakang pakikipag-alyansa ng manggagawa sa iba’t ibang mga uri at sektor sa lipunang Pilipino.  

Kung gayon, pinagtitibay ng BMP ang paglulunsad ng kampanya laban sa extrajudicial killings at paglabag sa mga karapatang pantao.

Comments

Popular posts from this blog

Kalagayang Pampulitika

1.  Ang naghaharing estado ay isang burges na estadong kontrolado ng malaking burgesya at naghahari sa burges na paraan. Burges ang paraan ng pangangasiwa ng estado sapagkat ang umiiral ay isang republika. May umiiral na saligang batas, na naglalaman sa mga karapatang sibil at kalayaang pampulitika – kasama ang karapatan sa pagboto, sa due process, sa kalayaan sa pagtitipon at sa pamamahayag, . Ang mga namumuno ay hindi itinakda ng tadhana o ng itaas para habambuhay na mamuno sa bansa. Di tulad ng ng monarkiya ng lipunang pyudal na may isang pamilya na may “divine right” na maghari sa isang emperyo. Ngunit ito ay nasa panlabas sa kaanyuhan lamang. Gaya ng lipunang pyudal, ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa lipunang kapital ay nasa dalawang institusyon lamang – nasa pangulo (bilang commander-in-chief) at nasa mga institusyon ng koersyon – ang pulis at militar, gaya ng hari at kanyang mga kabalyero. Ang mga karapatang pantao ay ilusyon lamang. Dahil ang totoo, ang umiiral – kung a...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...

Mga Kaisahan ng BMP 2018 Congress

Nakalista sa ibaba ang mga kaisahan ng ika-walong regular na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Enero 2018. Ito ay mga tesis ukol sa umiiral na kalagayan (pang-ekonomya, pampulitika, pang-organisasyon), mga resolusyon, pag-amyenda sa saligang batas ng Bukluran, at ang mga pangalan ng bagong halal na pamunuan. Mga Tesis : Kalagayang Pang-ekonomya Kalagayang Pampulitika Kalagayan ng BMP Mga Resolusyon : 1: Pamumuno ng Manggagawa sa Anti-Pasista at Anti-Imperyalistang Laban ng Mamamayan 2: Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP 3: Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon 4: Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing) at Panlipunang Serbisyo 5: Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis 6: Full mobilization sa SONA 7: All-Out Propaganda Offensive laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo 8: Pag-oorganisa sa manggagawa sa serbisyo’t agrikultura 9: Pag-oorganisa sa migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya 10: Nakasasapat-sa-sa...