Skip to main content

Pag-oorganisa ng manggagawang kababaihan

 Resolusyon Blg. 11: Pag-oorganisa ng manggagawang kababaihan

 Yayamang:

Halos magsingdami sa populasyon ang lalaki at babae, 15 taong gulang pataas (35.136 milyon at 35.028 milyon) ngunit mababa ang partisipasyon ng kababaihan sa labor force (45,5% kumpara sa 75.7%) [July 2017 Philippine Statistics Authority];

Ang mababang labor force participation rate ng kababaihan ay senyal na ang turing ng lipunan sa kanila ay para lamang “gumawa at mag-alaga ng mga bata” at para lamang sa “gawaing bahay”, na malaki ang papel sa produksyong panlipunan ngunit hindi binabayaran;

 Ang atrasadong pananaw na ang kababaihan ay “mahinang uri” ay ebidensya ng patriyarkal na sistema, na nauugat sa pagsibol ng pribadong pag-aari. Hadlang ito sa ganap na pagkakaisa ng uring manggagawa;

Imposibleng mapalakas ang kilusang paggawa kung hindi nito nakakamit ang enerhiya’t dinamismo, komitment at debosyon, sipag at talento ng manggagawang kababaihan. Saksi ang kasaysayan sa naging papel ng kilusang kababaihan sa pagpapalakas ng kilusang paggawa at sa kilusan para pagbabagong panlipunan; at,

 Ang ganitong pananaw sa kababaihan ay pinapakalat mismo ni Duterte, sa walang tigil na pambabastos at pagmamalaiit sa mga babae;

Ang hirap sa pagbabadyet sa mga gastusin pamilya bunga ng nagtataasang presyo dahil sa TRAIN ay magiging mas ramdam ng kababaihan;

 Dahil dito, nagpasya ang BMP Congress na muling pasikarin ang mga proyekto para organisahin ang manggagawang kababaihan at inaatasan ang mga kasaping lokal na tiyakin ang partisipasyon ng mga kababaihan hanggang pagbibigay-puwang sa kanila sa pamunuan.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...