Skip to main content

Mas Maunlad na mga Porma ng Makauring Pagkakaorganisa (Workers’ Council at Workers’ Assemblies)

Resolusyon Blg. 29: Mas Maunlad na mga Porma ng Makauring Pagkakaorganisa (Workers’ Council at Workers’ Assemblies)

Yayamang:

Ang ultimong hangarin ng BMP – sa usapin ng makauring pagkakaorganisa – ay ang pagtatayo ng “gobyerno ng manggagawa”, na pinakamataas na antas ng pagkakaorganisa ng manggagawa “bilang naghaharing uri”, ito ang tunay na demokrasya kung saan ang kapasyahan ng mayorya ang siyang naghahari, sapagkat ang milyon-milyong mamamayan ay organisado para maging bahagi sa pagtatakda at pagpapatupad ng mga batas;

Ang ganap na pananagumpay ng gobyerno ng manggagawa – sa pagbabagsak ng kapitalistang estado – ay hindi naitatakda ng suhetibo o pansariling kagustuhan kundi binubunga ng obhetibong kalagayan – ang pagputok ng krisis panlipunan at ang makauring kamalayan at pagkakaorganisa ng uring manggagawa;

Subalit ang pagpupunla ng gobyerno ng manggagawa ay nagsisimula ngayon pa lang, sa sosyalistang pagmumulat at pag-oorganisa sa manggagawa “bilang uri”;

Mas malawakang magagawa ito kung matutuklas ang malalapad na organisasyon ng masang manggagawa na may batayang pulitikal, hindi lamang sa pagtatanggol ng mga pang-ekonomikong interes gaya ng umiiral na mababang antas ng pagkakaorganisa “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon o “bilang sektor” ng maralita o batay sa klase ng trabaho sa edukasyon, transport, atbp.

Sa kasaysayan, nag-anyo ang ganitong pagkakaorganisa sa mga konseho at asembliya ng mga manggagawa, na una’y nagsimula sa pakikipagdamayan hanggang sa sumibol sa pagsasanay sa pagugubyerno bago nakamit ang kapasidad at oportunidad na ibagsak ang kapitalistang estado at maitayo ang sariling gobyerno;

Nagbubukas ng oportunidad para sa ganitong klase ng pagkakaorganisa sa pagtatangka ng rehimeng Duterte na baguhin ang saligang batas, dahil ang lundo nito ay isang plebisito ng buong mamamayan; isa itong minsanang pagkakataon para sa malawakang pagmumulat ng masa nang deretsahan sa mga usaping pulitikal;

Kung gayon, nagpasya ang ika-8 kongreso ng BMP na tuklasin ng komite sentral ang iba’t ibang mga anyo ng pampulitikang pag-oorganisa na aangkop para sa malawakang pampulitikang pagsasanay ng uring manggagawa.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...