Skip to main content

Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis

 Resolusyon Blg. 5: Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis

Yayamang:

Ang tamang sahod ng manggagawa, ayon sa cost of production at cost of reproduction ng lakas-paggawa – ay ang sahod na makabubuhay ng disente’t marangal para sa kanilang pamilya. Ito ang living wage, na siyang dapat na minimum na sahod;  

Kahit ang pinakamataas na daily minimum wage – P512 ng NCR – ay nasa kalahati lamang ng daily cost of living;

Ang mababang antas ng sahod ay nangangahulugan ng ibayong pagpiga ng labis na halaga mula sa manggagawa – na siyang pinaghahatian ng kapitalista (tubo), kapitalistang landlord (renta), kapitalistang bangkero (interes) at kapitalistang estado (buwis);

Ang tunay na sahod ay babagsak dahil sa pagsasabatas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Package 1), na magpapataw ng excise tax sa produktong petrolyo, at sugar sweetened beverages – sa kabila ng personal income tax exemption para sa kumikita ng mas mababa sa P250,000 gross annual income nang hindi saklaw ang minimum wage earners na ngayon pa lamang ay eksempted na sa withholding tax;

Sa susunod na pakete ng TRAIN, layon naman nilang ibaba ang buwis para sa mga korporasyon;

Ang tunay na reporma sa pagbubuwis – na nasa interes ng nakararaming nagtatrabaho at walang pag-aari – ay nasa diwa ng “buwisan ang mayayaman hindi ang mahihirap”, na sistema ng pagbubuwis na nakabatay sa kita at pag-aari.

Dahil dito, muling ilulunsad ng BMP ang kampanya para sa living wage at ang pagtutol sa regresibong sistema ng pagbubuwis na siyang balangkas ng TRAIN.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...