Skip to main content

Hayagang Propaganda ng Sosyalistang Alternatiba

Resolusyon Blg. 28: Hayagang Propaganda ng Sosyalistang Alternatiba

Yayamang:

Nasa krisis ang pandaigdigang kapitalistang sistema; hindi lamang dahil bigo pa rin itong tuklasin ang kondisyon para umahon mula sa 2008 global financial crisis, mas pa, ito ay naaagnas na sistemang wala ng kredibilidad sa masa ng sangkatauhan dahil sa konsentrasyon ng yaman (ang pag-aari ng 8 bilyonaryo ay katumbas ng taunang kita ng kalahati ng sangkatauhan!), sa matinding kahirapan sa kabila ng sobra-sobrang pag-unlad sa syensya’t teknolohiya, at sa tumitinding krisis sa klima na nagbabadyang mawasak ang mismong ekolohiya sa buong mundo;

Subalit ang alternatiba sa kapitalismo ay hindi pa rin popular sa hanay ng masang anakpawis;

Ang sosyalismo – ang lipunan ng manggagawang kinakatangian ng sosyalisadong pag-aari at sosyalisadong produksyon, na pinangangasiwaan ng tunay na demokrasya sa ilalim ng gobyerno ng manggagawa – ang natatangi at lohikal na kongklusyon sa kahibangan ng kapitalistang lipunan;

Tayo ay umiiral sa istorikal na yugtong umiiral na ang mga batayan para sa malawakang pagmumulat at pag-oorganisa sa ating ultimong layuning itayo ang sosyalismo, bagkus hindi dapat mawaglit sa ating isipan – kahit sa isang saglit – na sosyalismo ay lipunang itinatayo ng isang mulat-sa-uring kilusang paggawa na mapapanday lamang ng pakikibaka para sa kagyat na mga suliranin ng masang manggagawa;

Ang BMP ay nananalig sa katumpakan ng sosyalismo ngunit kinikilala ang importansya ng pakikibaka para sa reporma sa ilalim ng atrasadong kapitalistang lipunan, hindi para makamit ang mga reporma at huwag nang ibagsak ang kapitalismo kundi upang sumulong ang pakikibaka, na sa ultimo ay siyang magbabagsak rito.

Ang sosyalistang edukasyon at propaganda ay isang regular na gawain ng BMP at ang pagiging konsistent at tuloy-tuloy nito ang siyang susing sangkap sa paglarga ng gawaing buklod, na pangunahing organisasyunal na tungkulin ng Bukluran sa loob ng tatlong taon.

Kung gayon, nagkakaisa ang ika-8 kongreso ng BMP na agresibong ilunsad ang popularisasyon ng sosyalismo – sa anyo ng mga pag-aaral at mga babasahin – sa hanay ng masa.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...