Skip to main content

Kritisismo sa Duterte-nomics

 Resolusyon Blg. 16: Kritisismo sa Duterte-nomics

Yayamang:

Ang balangkas ng Duterte-nomics ay hindi naiiba sa patakarang pang-ekonomya ng nagdaang rehimen – ang neoliberal na doktrina, na salalayan ng mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at pleksibilisasyon sa paggawa;

Ang disensyo nito ay palasak na “trickle down theory”, ang pag-unlad ng negosyo at pagpapalago sa yaman ng bansa hindi ang redistribusyon ng yaman, na para bang umuulan ang ganansya sa mga mahihirap habang lumalaki ang yamang panlipunan;

Ang “build, build, build” ng Duterte-nomics ay nasa kapakinabangan ng mga kapitalista – mula sa konstruksyon ng mga proyekto, sa pagpipinansya nito, at hanggang sa epekto nitong pagtaas sa halaga ng lupa kapag natapos na ang proyektong imprastraktura;

Ang pondo para dito ay kukunin ng 70% sa pribadong sektor (BDO ni Henry Sy, BPI ni Ayala, PNB ni Lucio Tan, atbp.) at 30% mula sa official development assistance, na utang mula sa dayuhang mga gobyerno’t bangko;

Ang outstanding debt ng bansa ay sumisirit, at ang pagbabayad nito ay magiging pabigat sa pondo ng gobyerno kapag nag-mature na ang mga utang matapos ang takdang panahon, halimbawa 10 taon; at,

Para kunin ang kumpyansa ng mga pag-uutangan, babaguhin ng gobyerno ang sistema ng pagbubuwis – mula sa kita tungo sa pagkonsumo,  sa pamamagitan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion), na magreresulta sa mas mataas na mga presyo at mas mabigat ng tax burden sa mga mahihirap;  

Kung gayon, nagpasya ang BMP Congress na ang paglalantad sa Duterte-nomics sa isa sa mayor na gawain para tuluyang mabulgar ang makakapitalistang karakter ng rehimen; at dahil dito, ay kailangan itong paunlarin batay sa kongkretong mga epekto sa araw-araw na buhay ng masang manggagawa.

Comments

Popular posts from this blog

Kalagayang Pampulitika

1.  Ang naghaharing estado ay isang burges na estadong kontrolado ng malaking burgesya at naghahari sa burges na paraan. Burges ang paraan ng pangangasiwa ng estado sapagkat ang umiiral ay isang republika. May umiiral na saligang batas, na naglalaman sa mga karapatang sibil at kalayaang pampulitika – kasama ang karapatan sa pagboto, sa due process, sa kalayaan sa pagtitipon at sa pamamahayag, . Ang mga namumuno ay hindi itinakda ng tadhana o ng itaas para habambuhay na mamuno sa bansa. Di tulad ng ng monarkiya ng lipunang pyudal na may isang pamilya na may “divine right” na maghari sa isang emperyo. Ngunit ito ay nasa panlabas sa kaanyuhan lamang. Gaya ng lipunang pyudal, ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa lipunang kapital ay nasa dalawang institusyon lamang – nasa pangulo (bilang commander-in-chief) at nasa mga institusyon ng koersyon – ang pulis at militar, gaya ng hari at kanyang mga kabalyero. Ang mga karapatang pantao ay ilusyon lamang. Dahil ang totoo, ang umiiral – kung a...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...

Mga Kaisahan ng BMP 2018 Congress

Nakalista sa ibaba ang mga kaisahan ng ika-walong regular na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Enero 2018. Ito ay mga tesis ukol sa umiiral na kalagayan (pang-ekonomya, pampulitika, pang-organisasyon), mga resolusyon, pag-amyenda sa saligang batas ng Bukluran, at ang mga pangalan ng bagong halal na pamunuan. Mga Tesis : Kalagayang Pang-ekonomya Kalagayang Pampulitika Kalagayan ng BMP Mga Resolusyon : 1: Pamumuno ng Manggagawa sa Anti-Pasista at Anti-Imperyalistang Laban ng Mamamayan 2: Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP 3: Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon 4: Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing) at Panlipunang Serbisyo 5: Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis 6: Full mobilization sa SONA 7: All-Out Propaganda Offensive laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo 8: Pag-oorganisa sa manggagawa sa serbisyo’t agrikultura 9: Pag-oorganisa sa migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya 10: Nakasasapat-sa-sa...