Skip to main content

Pagpapaunlad sa mga Porma ng Pakikibaka

Resolusyon Blg. 30: Pagpapaunlad sa mga Porma ng Pakikibaka

Yayamang:

Ang mga paraan ng pakikipaglaban – o porma ng pakikibaka – ay hindi arbitraryong dinedisenyo kundi iniluluwal ng mga pangangailangang itinatakda ng kalagayan;

Sa nagdaang mga panahon, ang karaniwang porma ng pakikibaka na inilulunsad ng BMP ay nalimita sa mga piket at mobilisasyong masa, na limitado rin sa kakayahang ipanalo ang mga kagyat na kahilingan o ilabas sa kalsada ang laksa-laksang manggagawa upang itaas ang kredibilidad ng sosyalistang kilusan;

Sa hanay ng kilusang unyon, ang pinakamabisang nailuwal nitong porma ng pakikibaka sa kasaysayan ay ang pamparalisang mga aksyon gaya ng pangkalahatang welga (general strike), sa ngayon, tanging ang may ganitong kapasidad ay ang organisadong hanay sa sektor ng transport;

Dapat makita ng manggagawa na kung ang welga – ang pagpaparalisa sa operasyon ng kompanya – ay mabisa para tuluyang humarap, kundi ma’y ibigay, ang management sa mga kahilingan ng mga empleyado; gayundin ang pagpapahinto sa buong ekonomya para obligahin ang kapitalistang estado na ipatupad ang mga kahilingan ng masang manggagawa; at,

Ang pagpapalaganap sa iba’t ibang anyo ng pakikibaka na umaabot sa pagpaparalisa ng ekonomya (kahit sa larangan pa lamang ng ideya) ay krusyal sa preparasyon ng kilusang paggawa, sa panahon ng mga krisis pampulitika.

Kung gayon, nagpasya ng ika-8 kongreso ng BMP na ituro sa masang manggagawa ang iba’t ibang anyo ng mga pakikibakang masa na iniluwal sa kasaysayan ng kilusang paggawa at tuklasin ang pinakamabisang porma ng pakikibaka para sa mas malawakang pagkilos ng mga manggagawa.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...