Skip to main content

All-Out Propaganda Offensive laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo

 Resolusyon Blg. 7: All-Out Propaganda Offensive laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo

Yayamang:

Ang labanang propaganda ay pakikibaka sa kamulatan ng taumbayan. Sa anumang kilusang naghahangad ng paglaya ng manggagawa, narito ang unang larangan dahil hindi lamang ang katawan ng manggagawa ang pinagsasamantalahan kundi ang kanyang isipan;

Nilalason ang isipan ng mga manggagawa sa mga “fake news” ng mga sumusuporta kay Rodrigo Duterte, na itinatago ang katotohanan na siya ang hindi lamang kinatawan ng mga kapitalista kundi ng mga burukratang komersyante at panginoong maylupa sa kanayunan, na siyang pinakamalupit at pinakareaksyonaryong seksyon ng naghaharing uri sa bansa;

Ipinapaniwala din ang taumbayan na ang Cha-cha at pederalismo ay para sa kanila, gayong babaguhin ang konstitusyon para baklasin ang mga proteksyon ng lokal na ekonomya mula sa pandarambong ng mga dayuhang multinasyunal na korporasyon at upang palakasin ang kontrol ng mga dinastiya’t warlord ang kani-kanilang teritoryo sa pederal na anyo ng paggugubyerno;

Kasabay nito, hindi namamalayan ng manggagawa’t mamamayan na ang kanilang pagdarahop ay nakaugat sa atrasadong kapitalismo at sa bulok na klase ng elitistang demokrasya na umiiral sa bansa;

Sa ultimo, hindi mulat ang manggagawa na ang ugat ng kahirapan at pagsamantala ng tao sa tao ay ang pribadong pag-aari sa mga kagamitan sa produksyon; at sa kanyang misyon sa kasaysayan – ang pawiin ang pribadong pag-aari sa pamamagitan ng pagtatatag ng gobyerno ng masang anakpawis; at,

Makakamit ng manggagawa ang ganitong kamalayan – ang sosyalistang kamalayan – sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na edukasyon kasabay ng paglahok sa mga pakikibakang masa, ito ang dahilan ng mga artikulo ukol sa Workers School at Tambuli sa konstitusyon ng Bukluran.

Dahil dito, pinapasyahan ng ika-8 kongreso ng BMP na:

1. Muling pagaganahin ang mga proyektong Tambuli (bulletin ng BMP) at Workers School para sa all-out propaganda offensive sa manggagawa sa anyo ng mga propaganda at edukasyon, para sa komprehensibong pampulitikang treyning sa naturang mga gawain;  

Obligahin ang lahat ng kasapi na ibahagi ang mga materyales ng ating facebook page (http://facebook.com/manggagawangpilipino)

Simulan ang pag-oorganisa ng mga propesor at guro para sa popularisasyon ng sosyalistang alternatiba at sa kagyat na mga isyu’t kahilingan na sinusulong ng BMP.

Comments

Popular posts from this blog

Kalagayang Pampulitika

1.  Ang naghaharing estado ay isang burges na estadong kontrolado ng malaking burgesya at naghahari sa burges na paraan. Burges ang paraan ng pangangasiwa ng estado sapagkat ang umiiral ay isang republika. May umiiral na saligang batas, na naglalaman sa mga karapatang sibil at kalayaang pampulitika – kasama ang karapatan sa pagboto, sa due process, sa kalayaan sa pagtitipon at sa pamamahayag, . Ang mga namumuno ay hindi itinakda ng tadhana o ng itaas para habambuhay na mamuno sa bansa. Di tulad ng ng monarkiya ng lipunang pyudal na may isang pamilya na may “divine right” na maghari sa isang emperyo. Ngunit ito ay nasa panlabas sa kaanyuhan lamang. Gaya ng lipunang pyudal, ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa lipunang kapital ay nasa dalawang institusyon lamang – nasa pangulo (bilang commander-in-chief) at nasa mga institusyon ng koersyon – ang pulis at militar, gaya ng hari at kanyang mga kabalyero. Ang mga karapatang pantao ay ilusyon lamang. Dahil ang totoo, ang umiiral – kung a...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...

Mga Kaisahan ng BMP 2018 Congress

Nakalista sa ibaba ang mga kaisahan ng ika-walong regular na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Enero 2018. Ito ay mga tesis ukol sa umiiral na kalagayan (pang-ekonomya, pampulitika, pang-organisasyon), mga resolusyon, pag-amyenda sa saligang batas ng Bukluran, at ang mga pangalan ng bagong halal na pamunuan. Mga Tesis : Kalagayang Pang-ekonomya Kalagayang Pampulitika Kalagayan ng BMP Mga Resolusyon : 1: Pamumuno ng Manggagawa sa Anti-Pasista at Anti-Imperyalistang Laban ng Mamamayan 2: Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP 3: Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon 4: Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing) at Panlipunang Serbisyo 5: Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis 6: Full mobilization sa SONA 7: All-Out Propaganda Offensive laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo 8: Pag-oorganisa sa manggagawa sa serbisyo’t agrikultura 9: Pag-oorganisa sa migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya 10: Nakasasapat-sa-sa...