Skip to main content

Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing) at Panlipunang Serbisyo

 Resolusyon Blg. 4: Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing) at Panlipunang Serbisyo

Yayamang:

Karapatan ng mamamayan ang abot-kaya at ligtas na pabahay, ayon sa 1987 Constitution;

Ang enabling law ay ang Urban Development Housing Act (UDHA), na ang balangkas ay ang pagwawalis ng mga maralitang lungsod sa mga liblib na eryang sub-urban, tungo sa mga eryang  relokasyon – na sa karanasan ay hindi ikinunsidera ang mga pangangailangan ng mga nilipat na maralita para sa empleyo, edukasyon, kalusugan, transportasyon, komersyo, atbp.;

Ang proyektong “build, build, build” ni Duterte ay magtataas sa presyo ng lupa sa mga syudad at kalapit probinsya, na magtutulak sa mga pribadong nagmamay-ari ng lupa na pwersahang alisin ang mga maralita sa kanilang mga pag-aari; ito rin ang magtutulak sa gobyerno – nasyunal at local government unit – na ibenta ang mga public land para sa mga real estate developer gaya ng SMDC ni Henry Sy, Robinsons Land ni Gokongwei, Ayala Land ni Ayala, Camella ni Manny Villar, atbp.;

Ang proyektong pabahay ng gobyerno ay nakadisenyo para pagtubuan ng mga bangko na nag-aalok ng pinansya sa iba’t ibang ahensya na nakatuon sa problema ng pabahay. Ito ang nagtutulak sa pagbabanta ng ebiksyon kahit sa mga nakatira sa low-cost at socialized housing projects na hindi nakakapagbayad ng kanilang amortisasyon;

Ang paglikas ng mga maralita sa mga syudad ay paglikas ng libo-libong mga manggagawa sa serbisyo, na siyang nagpapaandar sa komersyo sa mga sentrong urban.  

Ang isyu ng pabahay ay hindi lamang suliranin ng sektor ng maralitang lungsod kundi maging ng mga sahurang manggagawa.

Dahil dito, ipagpapatuloy ng BMP ang kampanyang pabahay upang mabalangkas ang isang programa sa pabahay na tunay na kumakalinga sa karapatan at kagalingan ng mga maralita – sa anyo ng paghamon ng pagbabago sa rehimeng Duterte sa usapin ng pabahay.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...