Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2020

Ang BMP Central Committee (2018-2020)

Ang mga Kagawad ng BMP Central Committee  (2018 – 2020)   1.  Leody de Guzman Chairperson 2.  Luke Espiritu President 3.  Lito Rastica Vice-President 4.  Rasti Delizo Vice-President 5.  Dominic Dilao Vice-President 6.  Mike Garay General-Secretary 7.  Michelle Ca ños Deputy General-Secretary 8.  Tina Foronda Treasurer 9.  Edwin Ma ñosa Auditor 10.   Roldan Gonzales CC member 11.   Rocel Rebancos CC member 12.   Domeng Mole CC member 13.   Eli Guzman CC member 14.   Ver Panganiban CC member 15.   Gem de Guzman CC member 16.   Analyn Rojo CC member 17.   Ka Ipe Faeldona CC member 18.   Larry Sajorda CC member 19.   Manny Toribio CC member 20.   Mar Mercado CC member 21.   Jade Mata CC member 22.   Joel Camigla ...

Pagpapaunlad sa mga Porma ng Pakikibaka

Resolusyon Blg. 30:  Pagpapaunlad sa mga Porma ng Pakikibaka Yayamang: Ang mga paraan ng pakikipaglaban – o porma ng pakikibaka – ay hindi arbitraryong dinedisenyo kundi iniluluwal ng mga pangangailangang itinatakda ng kalagayan; Sa nagdaang mga panahon, ang karaniwang porma ng pakikibaka na inilulunsad ng BMP ay nalimita sa mga piket at mobilisasyong masa, na limitado rin sa kakayahang ipanalo ang mga kagyat na kahilingan o ilabas sa kalsada ang laksa-laksang manggagawa upang itaas ang kredibilidad ng sosyalistang kilusan; Sa hanay ng kilusang unyon, ang pinakamabisang nailuwal nitong porma ng pakikibaka sa kasaysayan ay ang pamparalisang mga aksyon gaya ng pangkalahatang welga (general strike), sa ngayon, tanging ang may ganitong kapasidad ay ang organisadong hanay sa sektor ng transport; Dapat makita ng manggagawa na kung ang welga – ang pagpaparalisa sa operasyon ng kompanya – ay mabisa para tuluyang humarap, kundi ma’y ibigay, ang management sa mga kahilingan ng mga empleyado;...

Mas Maunlad na mga Porma ng Makauring Pagkakaorganisa (Workers’ Council at Workers’ Assemblies)

Resolusyon Blg. 29:  Mas Maunlad na mga Porma ng Makauring Pagkakaorganisa   (Workers’ Council at Workers’ Assemblies) Yayamang: Ang ultimong hangarin ng BMP – sa usapin ng makauring pagkakaorganisa – ay ang pagtatayo ng “gobyerno ng manggagawa”, na pinakamataas na antas ng pagkakaorganisa ng manggagawa “bilang naghaharing uri”, ito ang tunay na demokrasya kung saan ang kapasyahan ng mayorya ang siyang naghahari, sapagkat ang milyon-milyong mamamayan ay organisado para maging bahagi sa pagtatakda at pagpapatupad ng mga batas; Ang ganap na pananagumpay ng gobyerno ng manggagawa – sa pagbabagsak ng kapitalistang estado – ay hindi naitatakda ng suhetibo o pansariling kagustuhan kundi binubunga ng obhetibong kalagayan – ang pagputok ng krisis panlipunan at ang makauring kamalayan at pagkakaorganisa ng uring manggagawa; Subalit ang pagpupunla ng gobyerno ng manggagawa ay nagsisimula ngayon pa lang, sa sosyalistang pagmumulat at pag-oorganisa sa manggagawa “bilang uri”; Mas malawaka...

Hayagang Propaganda ng Sosyalistang Alternatiba

Resolusyon Blg. 28:  Hayagang Propaganda ng Sosyalistang Alternatiba Yayamang: Nasa krisis ang pandaigdigang kapitalistang sistema; hindi lamang dahil bigo pa rin itong tuklasin ang kondisyon para umahon mula sa 2008 global financial crisis, mas pa, ito ay naaagnas na sistemang wala ng kredibilidad sa masa ng sangkatauhan dahil sa konsentrasyon ng yaman (ang pag-aari ng 8 bilyonaryo ay katumbas ng taunang kita ng kalahati ng sangkatauhan!), sa matinding kahirapan sa kabila ng sobra-sobrang pag-unlad sa syensya’t teknolohiya, at sa tumitinding krisis sa klima na nagbabadyang mawasak ang mismong ekolohiya sa buong mundo; Subalit ang alternatiba sa kapitalismo ay hindi pa rin popular sa hanay ng masang anakpawis; Ang sosyalismo – ang lipunan ng manggagawang kinakatangian ng sosyalisadong pag-aari at sosyalisadong produksyon, na pinangangasiwaan ng tunay na demokrasya sa ilalim ng gobyerno ng manggagawa – ang natatangi at lohikal na kongklusyon sa kahibangan ng kapitalistang lipunan; T...

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag...

Paglalantad sa mapanlinlang na “Free Tertiary Education” ni Duterte

  Resolusyon Blg. 26:  Paglalantad sa mapanlinlang na  “Free Tertiary Education” ni Duterte Yayamang: Isa sa maraming panlilinlang ni Duterte sa mamamayang Pilipino ay ang ilusyong binibigay na ng gobyerno ang “free tertiary education”; Ang totoo, ito ay isang “scholarship” program para sa iilang papasa sa entrance exam sa mga state universities and colleges (SUC), kung saan mas malaki ang tsansang makapasok ang mga anak ng mga panggitnang uri na mula sa mga private at semi-private na high school at elementary. Malayo ito sa universal free education na matagal nang ipinaglalaban ng kilusang estudyante; Ang libreng edukasyon ni Duterte ay pabor sa mga kapitalista. Sa implementasyon ng K to 12, nagbibigay ng voucher ang gobyerno sa kapitalistang-edukador na may-ari ng mga paaralan; Ang “free universal education” – mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo – ay isa sa matagal nang kahilingan ng mga sosyalista sa buong daigdig sapagkat tungkulin ng gobyerno na bigyan ng akses ...

Muling Paglalathala sa “Puhunan at Paggawa” ni Ka Popoy Lagman

Resolusyon Blg. 25:  Muling Paglalathala sa “Puhunan at Paggawa"  ni Ka Popoy Lagman Yayamang: Isa sa mga batayang pag-aaral ng BMP ang "Puhunan at Paggawa", na nagbubulgar sa sikreto ng kapitalistang pagsasamantala – ang pagkuha ng labis na halaga mula sa paggawa ng manggagawa, na siyang syentipiko at kongkretong batayan ng ating sosyalistang paninindigan;   Ang akdang ito ni Ka Popoy ay nailathala na ngunit sa maliit na bolyum; Ang “Puhunan at Paggawa” ay dapat na ituring bilang “required reading” ng sinumang manggagawang naghahangad ng pagbabagong panlipunan, na siyang misyon ng BMP; Kung gayon, ilulunsad ng BMP ang proyektong ilathala ng bultuhan ang "Puhunan at Paggawa" ni Ka Popoy Lagman

Kumperensya para Gunitain ang ika-dalawang siglong kaarawan ni Karl Marx

  Resolusyon Blg. 24:  Paglulunsad ng Kumperensya para Gunitain  ang ika-dalawang siglong kaarawan ni Karl Marx,  dakilang guro ng rebolusyonaryong manggagawa Yayamang: Gugunitain ng buong daigdig ang ika dalawang siglong kaarawan ni Karl Marx, na tinaguriang “most influential thinker ng 20th  century”; Ang teorya ni Marx – na naglalaman ng diyalektikal na materyalismo, pampulitikang ekonomya at syentipikong sosyalismo – ay gabay sa pagbabagong panlipunan, mula sa punto-de-bista ng uring manggagawa; Kung gayon, pangunahan ng BMP ang paglulunsad ng Marxist Conference para sa ika-200 kaarawan ni Karl Marx sa Mayo 5, 2018.

Paglalathala ng Aklat sa Dalawa’t Kalahating Dekadang Karanasan ng BMP

  Resolusyon Blg. 23:  Paglalathala ng Aklat sa Dalawa’t Kalahating Dekadang  Karanasan ng BMP Yayamang: Ang BMP ay magdiriwang ng ika-dalawampu’t limang aniberasyo (silver anniversary) sa ika14 ng Setyembre 2018; Dapat makatas ng pamunuan at kasapian ng Bukluran – hanggang sa lokal na antas – ang mga aral sa dalawa’t kalahating dekada ng makauring pagmumulat, pakikibaka at pag-oorganisa ng BMP; Dahil ang pagsasalin ng mga karanasan ang susi upang mapanday ang bagong henerasyon ng mga lider-sosyalista na may kapasyahan at kakayahan na isulong ang bisyon, misyon, istratehiya’t taktika ng Bukluran; Kung gayon, ang pamunuan ng BMP ay inaatasan ng ika-8 Kongreso na lagumin ang karanasan at ilathala ito sa okasyon ng ika-25 aniberasyo ng Bukluran.

Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso

  Resolusyon Blg. 22:  Pagpapalaganap ng mga Kaisahan ng ika-8 na Regular na Kongreso Yayamang: Ang kongreso ng BMP ay ang pinakamataas na kapasyahan ng ating Bukluran, ito ang daluyan para sa “malayang diskusyon” para sa nagkakaisang pagkilos ng ating organisasyon; Ang deliberasyon nito ay dapat na maipalaganap sa lider at kasapian, upang tiyakin na tayo ay nagkakaisa sa salita at sa gawa, sa direksyong itinakda ng Kongreso na pangunahan ng manggagawa ang laban sa pasista, maka-kapitalista at maka-imperyalistang rehimeng Duterte – at sa organisasyunal na tungkuling paganahin na ang gawaing buklod para pagkonsolidahin ang BMP; May pangangailangang basagin ang ilusyong maka-mahirap ang kasalukuyang rehimen – laluna sa hanay ng manggagawa na patuloy na nabubulid sa kasinungalingang patuloy na nilulubid ng gobyernong Duterte;   Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP Congress na ilathala at ipalaganap ang mga dokumento ng Kongreso – ang mga pag-aaral sa pang-ekonomiko at pam...

Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa

  Resolusyon Blg. 21:  Hinggil sa Pagkakaisa ng Paggawa Yayamang: Pandaigdigang panawagan ng kilusang paggawa ang islogang “manggagawa magkaisa”. Ang paglaya ng manggagawa mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao ay nasa kanyang kamay – sa kanyang pagkakaisa, pagkamulat at pagkakaorganisa “bilang uri”. Malayo pa sa ganitong pagkamulat at pagkakaorganisa ang masang manggagawa, sila ay mas organisado “bilang empleyado” sa mga unyon at pederasyon; “bilang sektor” bilang bahagi ng formal at informal labor sector o sa klase na trabaho – sa sektor ng transportasyon, edukasyon, atbp; at “bilang lahi” kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtutol sa pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan. Ang ganitong mga antas ng pagkakaisa’t pagkakaorganisa, bagamat hindi pa “bilang uri”, ay sinusuportahan ng BMP dahil nagiging daluyan ito ng kongkretong karanasan sa pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka – kahit ang pinakaelementaryang antas ng pag-uunyon na pinangangalandakan ng mga neol...

Pagtutol sa Rekognisyon ng Estados Unidos sa Herusalem bilang Kapitolyo ng Zionistang Estado ng Israel

  Resolusyon Blg. 20:  Pagtutol sa Rekognisyon ng Estados Unidos sa Herusalem  bilang Kapitolyo ng Zionistang Estado ng Israel Ang State of Israel ay nilikha ng mga imperyalista at pwersahang itinakda sa loob ng teritoryo ng bansang Palestine noong Mayo 1948 at sa tuloy-tuloy na madugong gyera ng atrisyon na tuluyang nagpaalis sa mamamayang Palestino; Ang mga mamamayang Palestino ay nananatiling isa sa pinakaaping bansa sa buong mundo, nagdarahop at itinuring na segunda-klaseng mamamayan na mga karatig na bansa; Patuloy ang paglulunsad ng pambansang pakikibaka ng mga Palestino upang makabalik sa kanilang mga lupain, kasama ang Herusalem; Mayorya ng populasyon ng daigdig – kabilang ang maraming mga gubyerno – ang kumikilala at sumusuporta sa interes ng mga Palestino, na may pitong dekada nang nakikibaka para ipagtanggol ang interes ng kanilang bansa; Sa kasaysayan ng kilusang paggawa, ito ay nakikiisa sa lahat ng pakikibaka ng mga inaaping bansa, laluna ang bansang Palesti...

Hinggil sa Imperyalistang Gyera ng Agresyon

  Resolusyon Blg. 19:  Hinggil sa Imperyalistang Gyera ng Agresyon Yayamang: Ang pandaigdigang kilusang paggawa ay pangunahin at matibay na tumututol sa anumang anyo ng imperyalistang gyera ng agresyon sa anumang bahagi ng daigdig; Ang pandaigdigang ekonomya, na nananatiling matumal matapos ang 2008 global financial crisis, ang nagtutulak sa mga imperyalista tungo sa redibisyon ng mundo, sa pagitan ng Estados Unidos at mga kaalyado nito, ang alyansa ng Tsina at Rusya, at mga bansang itinataguyod ang kanilang soberanya sa mga malalaking kapitalistang bansa gaya ng Cuba, Venezuela, Iran, Syria, North Korea, atbp.   Ang pinagmumulan ng mga tensyong ito ay ang kompetisyong pang-ekonomiko, pampulitika, at militar – sa pagitan ng mga pandaigdigang mga kapangyarihan na nagtatangkang kontrolin ang pandaigdigang merkado; Anumang gyera ng agresyong inudyukan ng mga imperyalista ay nagmumula sa motibo ng tubo; na bibiktima sa milyon-milyong inosenteng sibilyan, na ang mayorya a...

Paglaban sa Neoliberal na Adyenda ng Rehimeng Duterte

  Resolusyon Blg. 18:  Paglaban sa Neoliberal na Adyenda ng Rehimeng Duterte Yayamang: Patuloy na inilalantad ng rehimeng Duterte ang kanyang sarili, sa halos araw-araw sa harap ng masang Pilipino bilang isang ganap na reaksyonaryong burges na gobyerno, na kontra-manggagawa, maka-kapitalista, maka-imperyalista, pasista at kontra-mahirap; Nabuyangyang ang tunay na kontra-manggagawang karakter ng rehimen sa patuloy na pagbibinbin ng Executive Order para sa prohibisyon ng lahat ng anyo ng kontraktwalisasyon; katunayan, lalupa nitong pinatindi ang naturang salot sa pamamagitan ng Department Order 174 ng DOLE; Pinupwersa ng rehimen ang taumbayan na tiisin ang mga mapapait na patakarang neoliberal sa larangang pampulitika at pang-ekonomya, sa pamamagitang ng sumusunod na patakaran – ang Philippine Development Plan 2017 hanggang 2022 (kung saan, kasama ang planong “build, build, build”, ang kontra-mahirap na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) at ang Charter Change (Cha...

Kampanya para sa Pagpapaiksi ng Araw-Paggawa (Shortening of the Working Day)

  Resolusyon Blg. 17:  Kampanya para sa Pagpapaiksi ng Araw-Paggawa  (Shortening of the Working Day) Yayamang: Ang 8-hour working day, na siyang dahilan kung bakit may overtime premium matapos ang walong oras na pagtatrabahos sa isang araw, ay isang unibersal na istandard na naipagwagi ng pandaigdigang kilusang paggawa, sa mahigit na isang siglong buhay-at-kamatayang pakikibaka; Pumasa na sa Lower House ang House Bill No. 6152, o “An Act Increasing the Normal Work Hours Per Day Under a Compressed Work Week Scheme”, na ginawang ligal na opsyon ang pagpapatrabaho ng lagpas sa umiiral na regular time nang walang dagdag na kabayaran kasabay ng pagbabawas ng araw ng pagtatrabaho sa isang linggo; Ang panukalang ito ay sadyang makakapinsala sa katawan ng manggagawa, na ngayon pa lang ay noobliga nang mag-obertaym dahil sa baba ng sweldo sa kabila ng pagbabawal sa pwersahang pagpapaobertaym; Ang HB 6152 ay nakadisenyo para lalupang pigain ang tubo mula sa katawan ng mga manggagaw...

Kritisismo sa Duterte-nomics

  Resolusyon Blg. 16:  Kritisismo sa Duterte-nomics Yayamang: Ang balangkas ng Duterte-nomics ay hindi naiiba sa patakarang pang-ekonomya ng nagdaang rehimen – ang neoliberal na doktrina, na salalayan ng mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at pleksibilisasyon sa paggawa; Ang disensyo nito ay palasak na “trickle down theory”, ang pag-unlad ng negosyo at pagpapalago sa yaman ng bansa hindi ang redistribusyon ng yaman, na para bang umuulan ang ganansya sa mga mahihirap habang lumalaki ang yamang panlipunan; Ang “build, build, build” ng Duterte-nomics ay nasa kapakinabangan ng mga kapitalista – mula sa konstruksyon ng mga proyekto, sa pagpipinansya nito, at hanggang sa epekto nitong pagtaas sa halaga ng lupa kapag natapos na ang proyektong imprastraktura; Ang pondo para dito ay kukunin ng 70% sa pribadong sektor (BDO ni Henry Sy, BPI ni Ayala, PNB ni Lucio Tan, atbp.) at 30% mula sa official development assistance, na utang mula sa dayuhang mga gobyerno’t ...

Pagsisikhay sa Gawaing Pangkultura

  Resolusyon Blg. 15:  Pagsisikhay sa Gawaing Pangkultura Yayamang: Ang “gawaing pangkultura” o ang propaganda ng sosyalistang prinsipyo at ng paninindigan sa kagyat na mga isyu’t usapin sa anyo ng sining at kultura ay matagal nang napatunayan bilang mabisang paraan para sa popularisasyon ng ating mga prinsipyo; Ang “gawaing pangkultura” ay may ispesyal na papel sa pagpapayabong ng kusa at mapanlikhang enerhiya ng mga manggagawa, para umambag sa dakilang simulain ng manggagawa; Ang gawaing pangkultura ay kasalukuyan nang lumalarga sa BMP sa pag-andar ng Teatro Pabrika, na liban sa pagtatanghal ay nagbubuo din ng mga grupong kultyural sa mga lokal na unyon at samahan; Sa layuning basagin ang ilusyon ng mamamayan sa rehimeng Duterte, susi ang paggamit ng sining at kultura para buksan ang isipan ang milyon-milyong masa sa ating mga ipinapahayag;   Kung gayon, nagpasya ang BMP Congress na suportahan ang Teatro Pabrika at, buuin at paganahin ang mga grupong kultyural sa mga pa...

Kampanya laban sa State-Sanctioned Killings at mga Paglabag sa Kaparatang Pantao

  Resolusyon Blg. 14:  Kampanya laban sa State-Sanctioned Killings  at mga Paglabag sa Kaparatang Pantao Yayamang: Ang “War on Drugs” ay nagresulta na ng kaliwa’t kanang pagpatay sa mga sibilyan sa anyo ng Tokhang at State-Sanctioned Killings, na tinatayang umaabot na sa 14,000 katao sa mahigit isa’t kalahating taon ni Duterte bilang pangulo; Ang “War on Drugs” ay naging “War on the Poor”, at kitang-kita ito sa pagpaslang sa mga maralitang kabataan gaya ni Kian delos Santos ng Kalookan; Ang pagpatay sa mga suspek ay taliwas sa nararapat na proseso ng pagsasakdal at paglilitis, ayon sa batas; Ang layon nito ay hindi pa ang pagsugpo sa iligal na droga kundi ang pamamayani ng klima at takot upang wala tumutol sa mga panukala ng rehimeng Duterte – laluna ang Chacha ng imperyalismo at mga dinastiyang pulitikal; Ang isyung ito ay maaring maging behikulo sa malawakang pakikipag-alyansa ng manggagawa sa iba’t ibang mga uri at sektor sa lipunang Pilipino.   Kung gayon, p...

Pagtutol sa Waste-to-Energy Incineration

  Resolusyon Blg. 13:  Pagtutol sa Waste-to-Energy Incineration Yayamang: Labis na nakakabahala ang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na amyendahan ang Republic Act 8749, o ang Clean Air Act, upang ipawalang bisa ang nilalaman nitong pagbabawal sa pagsusunog ng basura (waste incineration ban), na ipinagbabawal rin sa Republic Act 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act; Ang pagbabawal sa pagsusunog ng basura ay nakatatag sa loob ng dalawang batas republika (R.A. 8749 at R.A. 9003) upang protektahan at pangalagaan ang kalusugan ng mamamayang Pilipino at ng ating kalikasan, alinsunod sa isinasaad sa ating Konstitusyon na “dapat pangalagaan at isulong ng Estado ang karapatan ng sambayanan sa timbang at kanais-nais na ekolohiya na naaayon sa aluy-oy at tugma ng kalikasan.” Ang pagsusunog ng basura ay banta sa kalusugan ng tao at ng kalikasan dahil sa nililikha nitong mga lasong kemikal tulad ng dioxins at furans at iba pang persistent organic pollutants (POPs);...

Pagtindig para sa “Just Transition”

  Resolusyon Blg. 12:  Pagtindig para sa “Just Transition”   Yayamang: Kinikilala na ng buong sangkatauhan – sa bisa ng Paris Agreement ng UNFCCC (United Nations Framework Convention on Climate Change) noong 2015 – ang pangangailangang ibaba ng 1.5 hanggang 2.0 degrees celsius ang pag-init ng mundo upang maampat ang pagkawasak ng ekolohiya at kalikasan dahil sa global warming; Naobliga ang mga gobyerno ng iba’t ibang bansa na ibaba ang kanilang greenhouse gas emissions laluna sa sektor ng enerhiya at transportasyon upang maabot ang ganitong target; ngunit hindi agresibo ang mga malalaking kapitalistang bansa na mas malaki ang kontribusyon sa pag-init ng temperatura sa buong daigdig; Ang global warming ay nagresulta ng mas malalakas na bagyo at mas mahahabang tagtuyot sa mga bulnerableng bansa gaya ng Pilipinas; Sinusuportahan natin ang pagpihit ng mundo mula sa maruming enerhiya mula sa fossil fuels tungo sa malinis at ligtas na enerhiya mula sa renewable energy sources g...

Pag-oorganisa ng manggagawang kababaihan

  Resolusyon Blg. 11:  Pag-oorganisa ng manggagawang kababaihan   Yayamang: Halos magsingdami sa populasyon ang lalaki at babae, 15 taong gulang pataas (35.136 milyon at 35.028 milyon) ngunit mababa ang partisipasyon ng kababaihan sa labor force (45,5% kumpara sa 75.7%) [July 2017 Philippine Statistics Authority]; Ang mababang labor force participation rate  ng kababaihan ay senyal na ang turing ng lipunan sa kanila ay para lamang “gumawa at mag-alaga ng mga bata” at para lamang sa “gawaing bahay”, na malaki ang papel sa produksyong panlipunan ngunit hindi binabayaran;   Ang atrasadong pananaw na ang kababaihan ay “mahinang uri” ay ebidensya ng patriyarkal na sistema, na nauugat sa pagsibol ng pribadong pag-aari. Hadlang ito sa ganap na pagkakaisa ng uring manggagawa; Imposibleng mapalakas ang kilusang paggawa kung hindi nito nakakamit ang enerhiya’t dinamismo, komitment at debosyon, sipag at talento ng manggagawang kababaihan. Saksi ang kasaysayan sa naging pap...

Nakasasapat-sa-sariling ekonomya ng organisasyon

Resolusyon Blg. 10:  Nakasasapat-sa-sariling ekonomya ng organisasyon Yayamang: Hindi aandar ang ating Bukluran kung wala itong pantustos sa mga pangangailangan ng mga pultaym na personnel at maging sa mga proyekto sa edukasyon, kampanya, propaganda at ekspansyon; Malaking pondo ang kailangan para manguna ang manggagawa sa laban ng bayan sa pasismo at imperyalismo. Ang independensya sa pananalapi ay susi upang hindi tayo matali sa ating mga pananaw at paninindigan; Kung gayon, pinagkakaisahan ng BMP ang pag-aayos sa mga proyektong pampinansya ng organisasyon, ang pag-aayos ng sistema sa pagbubutaw ng mga kasapi.

Pag-oorganisa sa migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya

Resolusyon Blg. 9:  Pag-oorganisa sa migranteng manggagawa  at kanilang mga pamilya Yayamang: Nasa 9.5 to 12.5 milyong Pilipino ang nabubuhay sa ibang bansa at nakakaranas ng samut-saring kahirapan at pagsasamantala, kasama ang kanilang pamilya na dumadaan sa pangungulila at pagdarahop; Ang programang pang-ekonomya ng gobyerno – na hindi nagpapalakas sa mga sektor ng industriya’t agrikultura, na siyang lumilikha ng trabaho – ay nagreresulta sa malawakang pangingibang-bayan ng mga Pilipino, laluna ng mga manggagawa; Ang remittances ng mga OFW ang siyang bumubuhay sa isang atrasadong ekonomyang umaasa sa konsumpsyon kaysa sa produksyon; at, PInagsasamantalahan ang mga manggagawa sa ibang bansa – laluna ang mga kababaihan na dumaranas ng karahasan at pang-aabuso – kahit bago pa man sila umalis, sa anyo ng di-makatuwirang mga gastusin sa placement at processing.    Dahil dito, sisimulan ng BMP ang pag-oorganisa ng mga migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya – kasam...

Pag-oorganisa sa manggagawa sa serbisyo’t agrikultura

  Resolusyon Blg. 8:  Pag-oorganisa sa manggagawa sa serbisyo’t agrikultura   Yayamang: Ang Pilipinas ay atrasadong bansa kung saan mayorya ang mga manggagawa na kabilang ang mala-manggagawa at malaking bilang ng sahurang manggagawa sa kalunsuran ay ang manggagawa sa serbisyo habang sa kanayunan ay ang manggagawang bukid; Ang manggagawa sa serbisyo’t agrikultura, batay sa mga datos, ay karaniwang kontraktwal at seasonal, na tumatanggap ng mas mababa sa mimimum na sahod, at kung gayon ay nakakaranas ng matinding kapitalistang pagsasamantala; Kailangang maorganisa ang manggagawa sa serbisyo’t agrikultura upang maipagtanggol nila ang kanilang sariling karapatan at kagalingan; Sa nagdaang mga taon, papalaki ang bilang ng manggagawa sa serbisyo sa nagaganap na pagrerestruktura ng ekonomya mula sa industriyal at agrikultural na produksyon tungo sa komersyo’t serbisyo; at, May potensyal na ang BMP para abutin ang mga malawak na bilang ng manggagawa sa serbisyo’t agrikultura sa i...

All-Out Propaganda Offensive laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo

  Resolusyon Blg. 7:  All-Out Propaganda Offensive  laban sa rehimeng Duterte at sa kapitalismo Yayamang: Ang labanang propaganda ay pakikibaka sa kamulatan ng taumbayan. Sa anumang kilusang naghahangad ng paglaya ng manggagawa, narito ang unang larangan dahil hindi lamang ang katawan ng manggagawa ang pinagsasamantalahan kundi ang kanyang isipan; Nilalason ang isipan ng mga manggagawa sa mga “fake news” ng mga sumusuporta kay Rodrigo Duterte, na itinatago ang katotohanan na siya ang hindi lamang kinatawan ng mga kapitalista kundi ng mga burukratang komersyante at panginoong maylupa sa kanayunan, na siyang pinakamalupit at pinakareaksyonaryong seksyon ng naghaharing uri sa bansa; Ipinapaniwala din ang taumbayan na ang Cha-cha at pederalismo ay para sa kanila, gayong babaguhin ang konstitusyon para baklasin ang mga proteksyon ng lokal na ekonomya mula sa pandarambong ng mga dayuhang multinasyunal na korporasyon at upang palakasin ang kontrol ng mga dinastiya’t warlord ang ...

Full mobilization sa SONA

  Resolusyon Blg. 6:  Full mobilization sa SONA Yayamang: Ang State of the Nation Address (SONA) ay pagkakataon para ilahad ng pangulo bilang “chief executive officer” ng kapitalistang estado ang kalagayan ng “bansa ng kapital”; Tuwi-tuwina nitong isinasantabi ang sitwasyon ng “bansa ng paggawa” – a ng malawakang pagdarahop at inhustisya ng milyon-milyong manggagawa’t mamamayan dahil sa mas lumalawak na agwat ng mayaman at mahirap habang umiiral ang atrasadong kapitalistang sistemang panlipunan; Sa darating pang mga SONA ni Rodrigo Duterte, may pangangailangang basagin ang ilusyon ng “Change is coming” laluna sa kanyang milyon-milyong mahihirap na tagahanga; Sa mga susunod na SONA, kailangang basagin ang klima ng takot na nilikha ni Duterte sa kanyang pag-uusig at paninindak sa lahat ng oposisyon sa pamamagitan ng mga pasistang atake sa mga karapatang pantao; at, Ang SONA ay okasyon para sa pagkilos – hindi lamang sa Batasan – kundi sa buong bansa para ilantad ang maka-kapital...

Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis

  Resolusyon Blg. 5:  Kampanyang Living Wage at Progresibong Pagbubuwis Yayamang: Ang tamang sahod ng manggagawa, ayon sa cost of production  at cost of reproduction  ng lakas-paggawa – ay ang sahod na makabubuhay ng disente’t marangal para sa kanilang pamilya. Ito ang living wage, na siyang dapat na minimum na sahod;   Kahit ang pinakamataas na daily minimum wage – P512 ng NCR – ay nasa kalahati lamang ng daily cost of living; Ang mababang antas ng sahod ay nangangahulugan ng ibayong pagpiga ng labis na halaga mula sa manggagawa – na siyang pinaghahatian ng kapitalista (tubo), kapitalistang landlord (renta), kapitalistang bangkero (interes) at kapitalistang estado (buwis); Ang tunay na sahod ay babagsak dahil sa pagsasabatas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Package 1), na magpapataw ng excise tax sa produktong petrolyo, at sugar sweetened beverages – sa kabila ng personal income tax exemption para sa kumikita ng mas mababa sa P250,000 gr...

Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing) at Panlipunang Serbisyo

  Resolusyon Blg. 4:  Kampanya para sa Pabahay (Affordable Mass Housing)  at Panlipunang Serbisyo Yayamang: Karapatan ng mamamayan ang abot-kaya at ligtas na pabahay, ayon sa 1987 Constitution; Ang enabling law ay ang Urban Development Housing Act (UDHA), na ang balangkas ay ang pagwawalis ng mga maralitang lungsod sa mga liblib na eryang sub-urban, tungo sa mga eryang  relokasyon – na sa karanasan ay hindi ikinunsidera ang mga pangangailangan ng mga nilipat na maralita para sa empleyo, edukasyon, kalusugan, transportasyon, komersyo, atbp.; Ang proyektong “build, build, build” ni Duterte ay magtataas sa presyo ng lupa sa mga syudad at kalapit probinsya, na magtutulak sa mga pribadong nagmamay-ari ng lupa na pwersahang alisin ang mga maralita sa kanilang mga pag-aari; ito rin ang magtutulak sa gobyerno – nasyunal at local government unit – na ibenta ang mga public land  para sa mga real estate developer gaya ng SMDC ni Henry Sy, Robinsons Land ni Gokongwei, Ayala...

Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon

Resolusyon Blg. 3:  Pagpapatuloy ng Kampanyang Anti-Kontraktwalisasyon Yayamang: Nagpapatuloy ang salot ng kontraktwalisasyon sa kabila ng pahayag na “contractualization must stop” ni Rodrigo Duterte; Ang iskema ng kontraktwalisasyon ay nagpapatuloy dahil hindi ginagamit ng Secretary of Labor ang kapangyarihan nito na ipagbawal ang pagkokontrata ng mga trabaho (alinsunod sa Artikulo 106); Naghain ng Executive Order ang nagkakaisang kilusang unyon – sa inisyatiba ng BMP – tungo sa prohibisyon ng kontraktwalisasyon para ipawalang-bisa ang masahol ng Department Order 174 ni Sec. Bello, sa ilusyong gagawing regular ang mga kontraktwal sa agency na ituturing na employer nila; Ang isyu ng kontraktwalisasyon ang isa sa pinakamabisang paraan para malantad ang makauring karakter ng rehimeng Duterte – bilang gobyerno ng mga kapitalista; Kung gayon, ipinagtitibay ng ika-8 Regular na Kongreso ng BMP na ituloy ang pambansang kampanyang kontraktwalisasyon, nang hindi nalilimita sa isahang mobili...

Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP

  Resolusyon Blg. 2  Gawaing buklod bilang saligang sangkap sa pagpapalakas ng BMP   Yayamang: Ang batayang yunit ng BMP ay ang buklod, na ang batayan ng pagkakaisa ay paglaya ng uri mula sa sahurang pang-aalipin at sa pribadong pag-aari sa mga ikabubuhay ng tao ng siyang ugat ng kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao. Ang gawaing buklod ay nangangahulugan ng pagpapataas sa makauring kamulatan sa lider at kasapi ng mga lokal na samahang at sektoral na mga organisasyong ngayo’y mas bumubuo sa ating Bukluran; Ang nilalaman ng gawaing buklod ay ang solidong  sosyalistang pagmumulat at ang pagpapakilos sa mga kagyat na kahilingan at maiinit na isyung pambayan. Magpapalakas ito hindi lamang sa BMP kundi maging sa mga lokal na samahang magkakaroon ng mga lider at aktibong kasaping may kusa, dedikasyon, at komitment sa paggampan ng kanilang mga gawain; Ang gawaing buklod – ang pagbubuo at pagpapagana sa mga sirkulo ng mga aktibista – ay matagal na nating hinahangad na ma...