Skip to main content

Posts

Mga Kaisahan ng BMP 2018 Congress

Recent posts

Ang BMP Central Committee (2018-2020)

Ang mga Kagawad ng BMP Central Committee  (2018 – 2020)   1.  Leody de Guzman Chairperson 2.  Luke Espiritu President 3.  Lito Rastica Vice-President 4.  Rasti Delizo Vice-President 5.  Dominic Dilao Vice-President 6.  Mike Garay General-Secretary 7.  Michelle Ca ños Deputy General-Secretary 8.  Tina Foronda Treasurer 9.  Edwin Ma ñosa Auditor 10.   Roldan Gonzales CC member 11.   Rocel Rebancos CC member 12.   Domeng Mole CC member 13.   Eli Guzman CC member 14.   Ver Panganiban CC member 15.   Gem de Guzman CC member 16.   Analyn Rojo CC member 17.   Ka Ipe Faeldona CC member 18.   Larry Sajorda CC member 19.   Manny Toribio CC member 20.   Mar Mercado CC member 21.   Jade Mata CC member 22.   Joel Camigla CC member 23.   Pedring Fadrigon CC member 24.   Teody Navea CC member 25.   Danny Gaurino CC member 26.   Merck Maguddayao CC member 27.   Elna Tamondong CC member 2

Pagpapaunlad sa mga Porma ng Pakikibaka

Resolusyon Blg. 30:  Pagpapaunlad sa mga Porma ng Pakikibaka Yayamang: Ang mga paraan ng pakikipaglaban – o porma ng pakikibaka – ay hindi arbitraryong dinedisenyo kundi iniluluwal ng mga pangangailangang itinatakda ng kalagayan; Sa nagdaang mga panahon, ang karaniwang porma ng pakikibaka na inilulunsad ng BMP ay nalimita sa mga piket at mobilisasyong masa, na limitado rin sa kakayahang ipanalo ang mga kagyat na kahilingan o ilabas sa kalsada ang laksa-laksang manggagawa upang itaas ang kredibilidad ng sosyalistang kilusan; Sa hanay ng kilusang unyon, ang pinakamabisang nailuwal nitong porma ng pakikibaka sa kasaysayan ay ang pamparalisang mga aksyon gaya ng pangkalahatang welga (general strike), sa ngayon, tanging ang may ganitong kapasidad ay ang organisadong hanay sa sektor ng transport; Dapat makita ng manggagawa na kung ang welga – ang pagpaparalisa sa operasyon ng kompanya – ay mabisa para tuluyang humarap, kundi ma’y ibigay, ang management sa mga kahilingan ng mga empleyado; gay

Mas Maunlad na mga Porma ng Makauring Pagkakaorganisa (Workers’ Council at Workers’ Assemblies)

Resolusyon Blg. 29:  Mas Maunlad na mga Porma ng Makauring Pagkakaorganisa   (Workers’ Council at Workers’ Assemblies) Yayamang: Ang ultimong hangarin ng BMP – sa usapin ng makauring pagkakaorganisa – ay ang pagtatayo ng “gobyerno ng manggagawa”, na pinakamataas na antas ng pagkakaorganisa ng manggagawa “bilang naghaharing uri”, ito ang tunay na demokrasya kung saan ang kapasyahan ng mayorya ang siyang naghahari, sapagkat ang milyon-milyong mamamayan ay organisado para maging bahagi sa pagtatakda at pagpapatupad ng mga batas; Ang ganap na pananagumpay ng gobyerno ng manggagawa – sa pagbabagsak ng kapitalistang estado – ay hindi naitatakda ng suhetibo o pansariling kagustuhan kundi binubunga ng obhetibong kalagayan – ang pagputok ng krisis panlipunan at ang makauring kamalayan at pagkakaorganisa ng uring manggagawa; Subalit ang pagpupunla ng gobyerno ng manggagawa ay nagsisimula ngayon pa lang, sa sosyalistang pagmumulat at pag-oorganisa sa manggagawa “bilang uri”; Mas malawakang magaga

Hayagang Propaganda ng Sosyalistang Alternatiba

Resolusyon Blg. 28:  Hayagang Propaganda ng Sosyalistang Alternatiba Yayamang: Nasa krisis ang pandaigdigang kapitalistang sistema; hindi lamang dahil bigo pa rin itong tuklasin ang kondisyon para umahon mula sa 2008 global financial crisis, mas pa, ito ay naaagnas na sistemang wala ng kredibilidad sa masa ng sangkatauhan dahil sa konsentrasyon ng yaman (ang pag-aari ng 8 bilyonaryo ay katumbas ng taunang kita ng kalahati ng sangkatauhan!), sa matinding kahirapan sa kabila ng sobra-sobrang pag-unlad sa syensya’t teknolohiya, at sa tumitinding krisis sa klima na nagbabadyang mawasak ang mismong ekolohiya sa buong mundo; Subalit ang alternatiba sa kapitalismo ay hindi pa rin popular sa hanay ng masang anakpawis; Ang sosyalismo – ang lipunan ng manggagawang kinakatangian ng sosyalisadong pag-aari at sosyalisadong produksyon, na pinangangasiwaan ng tunay na demokrasya sa ilalim ng gobyerno ng manggagawa – ang natatangi at lohikal na kongklusyon sa kahibangan ng kapitalistang lipunan; Tayo

Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP

  Resolusyon Blg. 27:  Pag-oorganisa sa mga anak ng mga kasapi ng BMP Yayamang: Ang SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan – ay pormal na kinilala ng ika-8 kongreso ng BMP – bilang kasaping-organisasyon ng Bukluran; Lubos na kinakailangan hindi lamang ng BMP kundi ng buong kilusang paggawa sa bansa – ang enerhiya’t dinamismo, sa katawan at sa pag-iisip, ng mga rebolusyonaryong intelektwal; Saksi ang kasaysayan sa naging ambag ng sektor ng kabataan – partikular na kilusang estudyante – sa pagpapalakas, pagpapatibay at paglawak ng kilusang masa – bilang balon ng mga manunulat, edukador, organisador, kampanyador ng pagbabagong panlipunan;   Ang mundo ng paggawa, na punong-puno ng praktikal na karanasan, ang siyang magpapanday at huhubog sa mga intelektwal para maging tapat, masipag at mapagkumbabang lingkod ng uri at bayan; Habang hindi nagagapi ang kapitalistang sistema, ang tanging maipamamana ng masang manggagawa sa kanilang mga anak ay ang tanikala ng sahurang pag-aalipin at ang sum

Paglalantad sa mapanlinlang na “Free Tertiary Education” ni Duterte

  Resolusyon Blg. 26:  Paglalantad sa mapanlinlang na  “Free Tertiary Education” ni Duterte Yayamang: Isa sa maraming panlilinlang ni Duterte sa mamamayang Pilipino ay ang ilusyong binibigay na ng gobyerno ang “free tertiary education”; Ang totoo, ito ay isang “scholarship” program para sa iilang papasa sa entrance exam sa mga state universities and colleges (SUC), kung saan mas malaki ang tsansang makapasok ang mga anak ng mga panggitnang uri na mula sa mga private at semi-private na high school at elementary. Malayo ito sa universal free education na matagal nang ipinaglalaban ng kilusang estudyante; Ang libreng edukasyon ni Duterte ay pabor sa mga kapitalista. Sa implementasyon ng K to 12, nagbibigay ng voucher ang gobyerno sa kapitalistang-edukador na may-ari ng mga paaralan; Ang “free universal education” – mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo – ay isa sa matagal nang kahilingan ng mga sosyalista sa buong daigdig sapagkat tungkulin ng gobyerno na bigyan ng akses sa edukasyon a

Muling Paglalathala sa “Puhunan at Paggawa” ni Ka Popoy Lagman

Resolusyon Blg. 25:  Muling Paglalathala sa “Puhunan at Paggawa"  ni Ka Popoy Lagman Yayamang: Isa sa mga batayang pag-aaral ng BMP ang "Puhunan at Paggawa", na nagbubulgar sa sikreto ng kapitalistang pagsasamantala – ang pagkuha ng labis na halaga mula sa paggawa ng manggagawa, na siyang syentipiko at kongkretong batayan ng ating sosyalistang paninindigan;   Ang akdang ito ni Ka Popoy ay nailathala na ngunit sa maliit na bolyum; Ang “Puhunan at Paggawa” ay dapat na ituring bilang “required reading” ng sinumang manggagawang naghahangad ng pagbabagong panlipunan, na siyang misyon ng BMP; Kung gayon, ilulunsad ng BMP ang proyektong ilathala ng bultuhan ang "Puhunan at Paggawa" ni Ka Popoy Lagman